-- Advertisements --

Handa ang Albania na pansamantalang tanggapin ang ilang daan na Afghan refugees na nakatakdang lumipad patungong United States, kabilang na ilang mga babaeng liders, opisyal ng pamahalaan at iba pang nasa peligro dahil sa Taliban.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Prime Minister Edi Rama na nakiusap na ang America sa kanila sa Albania kung maari nilang ikonsdera na magsibli bilang transient country sa maraming Afghan political immigrants papuntang US.

Hindi aniya sila tatanggi rito, hindi dahil ang US na mismo ang nakiusap sa kanila kundi dahil nais talaga nilang makatulong.

Sa ngayon, doble kayod din ang Britain at iba pang Western countries sa paglilikas ng kanilang mga mamamayan at mga vulnerable Afghans na nagtatrabaho sa kanila sa pangamba nang pag-atake ng Taliban.

Maging ang Canada ay nagpahayag na sila ay handa ring tumanggap ng mahigit 20,000 refugees.