Napilitang mag-emergency landing ang Alaskan Airlines flight matapos ang ginawang pagbabanta ng isang pasahero na papatayin ang mga nakasakay doon.
Mula sa Seattle patungong Chicago ang eroplano ng biglang nagwala ang isang pasahero.
Nagsisigaw ito at binantaan na papatayin ang lahat ng pasahero sa ngalan daw ni Hesus Kristo.
Agad naman itong pinakalma ng isang flight crew sa tulong na rin ng dalawang iba pang pasahero.
Halos 20 minuto ang ginawang pananakot ng isang lalaki kaya napilitang mag-emergency landing ang eroplano pabalik sa Seattle-Tacoma International Airport.
Agad na itong pinasakamay sa Seattle Police na agad nila itong ikinulong sa King County Jail dahil sa harassment.
Dahil sa pangyayari ay agad na kinansela ang pangyayari kung saan kailangang maghanap ng panibagong flight ang mga pasahero.