KALIBO, Aklan — Itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang si Aklan Governor Jose Enrique Miraflores bilang chairperson ng Regional Development Council (RDC) sa Western Visayas sa ilalim ng Department of Economy, Planning, and Development.
Magsisilbi siya sa loob ng tatlong taon.
Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang appointment niya noong Oktubre 16.
Sa panayam ng Bombo Kalibo, pinasalamatan ni Governor Miraflores ang Pangulo sa pagtiwala sa kanya at sa bumubuo ng RDC.
Aniya, gagawin niya ang lahat upang magampanan ang kanyang bagong tungkulin para sa pagpapalago ng Western Visayas sa pamamagitan ng mga programa at proyekto para sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ang RDC ay nagsisilbing counterpart ng National Economic and Development Authority Board sa subnational level.