-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Nagdadalamhati ngayon ang mga kaibigan, kakilala at buong mamamayan ng Makato, Aklan matapos ang biglaang pagpanaw ng kanilang alkalde na si Atty. Abencio Torres.
Si Mayor Torres, 74 anyos ay nagsilbi bilang alkalde ng bayan sa loob ng tatlong termino.
Sa nakaraang eleksyon ay tumakbo siya sa pagka bise alkalde kung saan, nanalo ito na may kabuuang boto na 9,089 laban kay Boby Clyde Legaspi na nakakuha ng 8, 953.
Samantala, hindi muna nagpaunlak ng panayam sa Bombo Radyo Kalibo ang pamilya ng nasabing alkalde.