-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang komedyanteng si Ai Ai delas Alas dahil sa pagpanaw ng kaniyang adoptive mother na si Justa sa edad 93.
Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng video ng tinaguriang ina.
May caption ito ng labis na kalungkutan at masaya na rin ito dahil sa hindi siya nahirapan bago tuluyang pumanaw.
Si Justa ay kapatid ng ama ng komedyante na siya na ring nagpalaki sa kaniya.