-- Advertisements --
Patuloy ang pagyanig sa Mindanao matapos ang malakas na lindol na tumama sa karagatang malapit sa Sarangani noong Hunyo 8, 2026 na may lakas na 7.8 magnitude.
Ayon sa pinakahuling tala ng Phivolcs nitong hapon, umabot na sa 7,435 ang naitalang aftershocks.
Sa bilang na ito, 1,758 ang na-plot at 84 ang naramdaman ng publiko.
Ang saklaw ng magnitude ng mga pagyanig ay mula 1.2 hanggang 6.4.
Patuloy na pinaaalalahanan ang mga residente sa Visayas at Mindanao na maging handa sa posibleng aftershocks at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng Phivolcs para sa kaligtasan.
















