-- Advertisements --
lindol 2

Ibinabala ng Phivolcs ang mas marami pang mga aftershocks, kasunod ng nangyaring Mag 5.6 na lindol kahapon sa Hernani, Eastern Samar.

Una rito, naitala ang malakas na lindol sa naturang lugar, na naramdaman sa mga karatig-probinsya.

Naramdaman ang Intensity V sa bahagi ng Hernani at Llorente, Eastern Samar.

Intensity IV naman ang naitala sa Gen. MacArthur, Balangkayan, Maydolong, Salcedo at Borongan City sa Eastern Samar

Habang Intensity III ang naitalang pagyanig sa mga bayan ng Quinapondan, San Julian, Sulat, Taft, Mercedes, Guiuan, Giporlos, Lawaan at Balangiga sa Eastern Samar, kasama na ang Tacloban City sa Leyte

Dahil dito, pinag-iingat ng Phivolcs ang publiko kaugnay sa mga sunod-sunod na mga mahihinang aftershocks dulot ng naturang pagyanig.