-- Advertisements --

Isang mahirap na desisyon para sa pamilya Kardashian ang nakatakdang pagtatapos na ng kanilang reality show.

Anunsyo ito mismo ng American socialite na si Kim Kardashian kung saan hanggang sa susunod na taon na lamang mapapanood ang “Keeping Up With The Kardashians.”

Ang nasabing show ang kinikilala bilang pinakamatagal nang reality television show sa Estados Unidos dahil sa pagiging patok sa loob ng 14 na taon.

Patungkol ang reality TV show sa personal at professional na buhay ng malaking angkan ng mga Kardashian at Jenner.

“Without Keeping Up with The Kardashians, I wouldn’t be where I am today. I am so incredibly grateful to everyone who has watched and supported me and my family these past 14 incredible years. This show made us who we are and I will be forever in debt to everyone who played a role in shaping our careers and changing our lives forever,” bahagi ng pahayag ng 39-year-old model at misis ng rapper na si Kanye West.

Wala namang nabanggit kung ano ang dahilan ng last episodes ng sikat na show.