-- Advertisements --

afpnorte2

Nagpapatuloy ang isinasagawang relief operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa norte bunsod ng 7.3 magnitude na lindol na tumama sa mga nasabing rehiyon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, minobilize na ng militar ang kanilang mga tauhan at maging ang mga aircrafts ng Philippine Air Force (PAF) para sa pamamahagi ng relief goods sa pitong isolated municipalities sa Abra.

Ito ay ang mga munisipyo ng Boliney, Bucloc, Daguioman, Luba, Tubo, Malibcong, at Lacub.

Ang Philippine Air Force ay nagdeploy ng kanilang air assets gaya ng S70i Blackhawks, PZL W-3A SOKOL, Super Huey, Huey 2, at UH-1H helicopters sa pag-transport ng relief goods.

Habang ang Philippine Army’s 24th Infantry Battalion, 503rd Infantry Brigade at mga miyembro ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nag unload sa mga DSWD relief goods sa Abra nuong Biyernes, July 29.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods, tumutulong na rin ang mga sundalong army at maging ang mga reservist sa clearing operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol.