-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Major Ericson Bulosan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command na natukoy na nila ang mga bansang nagbibigay ng malaking pondo para sa CPP-NPA.

Aniya, maliban sa ibat’-ibang bansa, may mga mayayaman pa umanong indibibual, negosyante at maging mga pulitiko na sumusuporta sa rebeldeng grupo.

Sinabi ni Bulosan na ito ngayon ang tinututukan ng kanilang hanay kung paano maharang ang malalaking pondo mula sa iba’t-ibang bansa para sa mga rebeldeng grupo kung saan idinadaan sa kanilang front organization.

Ginagamit umano ng grupo ang mga pondo para sa recruitment activity nila kung saan ang kauna-unahang target nila ay mga kabataan.

-- Advertisement --

Samantala, sinabi ni Bulosan na patuloy na ang paghina ng pwersa ng CPP-NPA dahil marami na silang miyembro na sumuko sa pamahalaan.

Aniya, resulta ito ng mga maraming programa na iniaalok ng pamahalaan para sa mga rebeldeng gusto nang mamuhay ng normal.