Tanggap ng Armed Forces of the Philippines ang naging desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court na ibasura ang Anti-Terrorism Case laban sa dalawang Aeta sa Zambales.
Sa isang pahayag, sinabi ng AFP na iginahalang nila ang desisyon ng korte na nag aabswelto kina Japer Gurung at Junior Ramos na miyembro Aeta indigenous community.
Gayunman, siniguro ng AFP mananatili pa rin silang aktibo sa pagpapanagot sa mga kriminal at masasamang loob na sangkot sa terroristic activities na siyang hadlang sa kapayapaan ng bansa.
Ayon sa AFP, ipatutupad pa rin nila ang Anti-Terrorism Law at patuloy na makikipag ugnayan sa NTF-ELCAC at Anti-Terrorism Coucil sa pagprotekta sa karapatan ng mga tao lalo na sa mga katutubo na sinasamantala ng communist terrorist groups.
Nabatid na ang dalawang Aeta ay inakusahang miyembro ng New Peoples Army at kinasuhan dahil sa pagkamatay ng isang sundalo.
Ayon sa Korte, bigo ang prosekusyon na patunayan na ang mga akusado ang mga nasa likod ng pagkasawi ng sundalo, sa ilalim ng Section 4 ng Anti-Terrorism Act.
Hindi rin daw “consistent” ang mga pahayag ng mga sundalo at mga testigo, na nagsabing nakita nila sina Gurung at Ramos sa nangyari labanan.