-- Advertisements --

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Asian Football Confederation (AFC) sa naganap na rambulan sa finals sa pagitan ng Thailand at Indonesia sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Sa nasabing finals ay tinalo ng Indonesia ang Thailand 5-2 matapos ang extra time.

Naganap ang kaguluhan sa pagitan ng mga bench players ng magtala ng puntos ang Thailand sa stoppage-time equaliser at makuha ng Indonesia ang kalamangan 3-2 sa unang minuto ng extra time.

Tinapos ng Thailand ang laro na mayroong walong manlalaro sa field matapos na palabasin ang apat na manlalaro nito na sangkot sa kaguluhan.

Nagpahayag ng pagkadismaya at humingi ng paumanhin ang Football Association of Thailand dahil sa pangyayari.

Nag-kaayos naman ang dalawang koponan matapos ang insidente at naging mapayapang natapos ang laro.