-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranang US actress na si Piper Laurie sa edad na 91.
Sinabi ng kaniyang manager na si Marion Rosenberg, na namayapa ang actress sa bahay nito sa Los Angeles.
Hindi naman na binanggit ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Sumikat ang actress sa mga pelikula gaya ng “The Hustler”, “Carrie” at maraming iba pa.
Nominado ito sa Oscars Awards dahil sa pelikula nitong “Carrie”.
Isinilang bilang si Rosetta Jacobs sa Detroit, Michigan kung saan ang isang Russian at Polish ang magulang nito.
Edad 17-anyos pa lamang ito ng kinuha siya ng Universal Studios at kumikita na sa pangalang Piper Laurie.
Umalis siya sa pag-acting ng 15 taon para tutukan ang pagiging civil rights movements.