-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Jada Pinkett na hiwalay na sila ng asawang si Will Smith noon pang 2016.
Isinagawa nito ang pagbubunyag anim na taon matapos ang pananampal ng actor sa kapwa actor na si Chris Rock noong Oscars Awards.
Ayon sa actress na bago mangyari ang insidente ay hindi na sila nagsasama sa iisang bubong.
Dagdag pa nito na noong 2016 ay sinubukan nila ang kanilang makakaya para iligtas ang relasyon subalit sila ay nabigo.
Noong 2020 ay inamin ng actress ang pagkakaroon niya ng relasyon sa singer na si August Alsina.
Magugunitang naging kontrobersiya ang pananampal ni Smith kay Rock ng kutyahin nito ang asawa habang nagpepresenta ng award noong March 2022.