-- Advertisements --
Napili bilang host ng 66th Grammy Awards sa Pebrero 4 susunod na taon si Trevor Noah.
Kinumpirma ito ng South African actor sa kaniyang podcast.
Ito na ang pang-apat na napiling host ang nasabing actor.
Sa nasabing awarding ay nanguna ang singer na si SZA na mayroong siyam na nominasyon gaya ng record of the year, song of the year, best R&B performance at iba pa.
Pumangalawa naman si Phoebe Bridgers na mayroong pito habang mayroong tig-anim na nominasyon sina Taylor Swift, Olivia Rodrigo, Miley Cyrus, Billie Eilish, Brandy Clark, Jon Batiste at Jack Antonoff.