-- Advertisements --

Naging matagumpay ang operasyon sa atay ang actor na si Rez Cortez.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Cai Cortez.

Sa Instagram account ng actress, nagpost ito ng video at pinasalamatan ang mga fans na nagdasal sa ama para sa agaran nitong paggaling.

Nagpaabot rin ng kanilang kasiyahan ang kapwa nitong artista ng mabalitaan na bumuti na ang kalusugan ng character actor.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay humiling ang actress ng pagdarasal para sa agarang paggaling ng ama na sumailalim sa liver surgery.