-- Advertisements --
Ibinahagi ng actor na si Mon Confiado sa kaniyang mga fans na kasama ito sa tatlong international film.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng bagong Korean movie na “The Golden Holiday” sa direksiyon ni Kim Bong-han.
Ipapalabas ang nasabing pelikula ngayong taon.
kabilang din siya sa pelikulang “Turncoat” na ginawa sa US.
Kasama niya sa pelikula sina Italian actress Annaluisa Capasa na gawa ni director Marcial Chavez.
Sa pangatlong pelikulang “Dito” na isang Japan-Philippines co-production na pinagbibidahan at gawa ni Takashi Yuki.