-- Advertisements --

Hiwalay na ang actor na si Jericho Rosales sa asawang model at influencer na si Kim Jones.

Kinumpirma ng isa nilang ninong sa kasal na si Ricco Ocampo ang hiwalayan ng dalawa noon pang 2019.

Sinabi ni Ocampo na kahit na hiwalay na ang dalawa ay nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 2014 sa Boracay matapos ang ilang taon na magkasintahan.

Umugong ang hiwalayan ng dalawa noong nakaraang taon ng mapansin ng mga netizen na hindi na sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama ang dalawa.