-- Advertisements --
Nahaharap sa rekamong sexual assault ang actor na si Jamie Foxx.
Inihain ang kaso sa New York State Supreme Court.
Nangyari umano ang insidente noong 2015 sa sikat na restaurant sa New York City.
Ayon sa hindi na nagpakilalang biktima na, sapilitang hinipuan siya ng actor sa iba’t-ibang maselang katawan nito.
Labis ang kalasingan ng actor ng mangyari ang nasabing insidente.
Mariing itinanggi umano ng aktor ang inisdente kung saan tila ginaya lamang ng complainant ang unang kaso na kinakaharap ng actor noong 2020 sa Brooklyn.