-- Advertisements --
Pumanaw na ang actor na si Andre Braugher sa edad 61.
Kinumpirma ng kampo na ang kaniyang kamatayan matapos na dapuan ng hindi na binanggit na sakit.
Nakilala siya bilang gumaganap na pulis sa dramatic at comedy roles.
Nagwagi ito ng dalawang Emmy Awards kung saan mayroon iton kabuuang 11 na nominasyon sa kaniyang career para sa pagganap niya sa TV drama na “Homicide and Thief”.
Isinilang sa Chicage at nagtapos siya sa Standford University at dumalo sa Juliard School for Drama.
Sumikat ito sa pagganap bilang si Captain Raymond Holt sa series na “Brooklyn Nine-Nine”.