Target na isulong ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) chief Trixie Cruz-Angeles ang paggawad ng accreditation para sa mga vloggers para makadalo sa mga briefings sa Malacanang Palace.Hindi na ito bago dahil sinubukan na rin ito sa rehimen ng yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III subalit hindi ito naisakatuparan.
Ayon kay Angeles, target na isagawa ang Palace briefings isa hanggang dalawang beses sa isang linggo o mas marami kung kinakailangan.
Subalit, hindi pa masabi ngayon ng incoming PCOO official kung lahat ng mamamahayag ay papayagan na physically present para magcover ng mga aktibidad ni President-elect Marcos.
Aniya, pag-aaralan pa aniya ang mga existing policies at saka nila tutukuyin kung ano ang nararapat.