-- Advertisements --
Maaari na umanong maibigay sa ibang broadcast companies ang mga frequencies ng ABS-CBN matapos ibasura ng Kongreso ang franchise renewal ng nasabing network.
Sinabi nina House legislative franchises committee vice chairmen Jonathan Sy-Alvarado at Mike Defensor, pwede ng ialok ang mga ABS-CBN frequncies sa ibang franchise applicants dahil hindi irereserba ng Kongreso ang mga nasabing frequencies hangga’t makakuha uli ng prangkisa ang broadcast giant.
Ayon kay Defensor, technically ay naibalik na sa estado ang frequencies ng ABS-CBN.
Inihayag naman ni Alvarado na may natanggap ng impormasyon ang komite na may ilang broadcast companies na ang nagpahayag ng interes sa ABS-CBN frequencies.
















