-- Advertisements --
Mahigit 1,000 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Abra.
Kabuuang 1,071 aftershocks ang na-detect ng kagawaran sa mga apektadong lugar.
Ang pinakamataas na intensity na naramdaman dahil sa lindol ay Intensity VII.
Ito ay naranasan sa mga lugar ng Abra na kinabibilangan ng Tayum, Bangued, Bucay, Bicloc, Dangals, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Penarrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan.
Nauna nang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal na ilang apektadong residente ang nagkakampo sa labas ng kanilang mga tahanan dahil sa banta ng aftershocks.