-- Advertisements --

Pasok sa pagiging number 1 sa Billboard 200 chart ang country album ni Beyonce na “Cowboy Carter”.

Ito na ang pang-walong number 1 album ni Beyonce.

Siya rin ang unang Black woman na nanguna sa Billboard’s Top Country Albums.

Ang nasabing album na inilabas noong Marso 29 ay mayroong agad na 407,000 na katumbas na album units earned sa US sa loob ng isang linggo.

Ito ang itinuturing na nangunang album ngayong 2024 kasunod ng 1989 album ni Taylor Swift noong Nobyembre 2023.