Nakapagtala na ang Commission on Elections (Comelec) ng halos 92 milyong rehistradong botante para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon sa COMELEC, ang eksaktong bilang ay 91,912,429 na rehistradong botante na naitala sa 201,799 clustered precincts at 37,524 voting centers.
Sa bilang na ito, 68,468,339 na botante ang nakarehistro para sa barangay elections at 23,444,090 na botante ang nakarehistro para sa Sangguniang Kabataan elections.
Isinagawa ng Comelec ang kanilang voter registration mula Disyembre 12, 2022, hanggang Enero 31, 2023.
Nakapagtala ang nasabing komisyon ng kabuuang 1,476,551 na bagong rehistradong mga botante.
Sa kabilang banda, natapos na nito ang pag-iimprenta ng mga balota para sa 15 sa 17 rehiyon sa bansa.