
Nakakaranas ng matinding pambobomba at air strikes ang kabisera ng Sudan na Khartoum sa kabila ng nagpapatuloy na ceasefire talks sa pagitan ng Sudanese army at paramilitary forces isang buwan na mula ng sumiklab ang labanan na ikinasawi na ng mahigit 676 katao at ikinasugat naman ng 5,576 na indibidwal.
Simula ng sumiklab ang labanan noong Abril 15, ang Khrtoum at karatig na siyudad ng Bahri at Omdurman ang sentro ng labanan sa may western Darfur province.
Umabot sa mahigit 100 katao ang napatay sa kapital ng West Darfur ma Geneina kanilang ang imam na matandang mosque sa kabisera.
Noong nakalipas na linggo, ang gunmen ng Rapd Support Forces na humihingi ng pera ay inatake ang isang simbahn sa Omdurman na ikinasugat ng limang katao kabilang ang isang pari. Subalit pinabulaanan ito ng RSF at inihayag na isang extremist group na affiliated sa army ang responsable sa pag-atake.
Ayon sa residente malapit sa paliparan ng Khartoum na isinara simula ng sumiklab ang labanan na nakakaranas din ng intermittent fighting sa buong araw.










