-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Kinumpirma ito ni Libiran sa kanyang Facebook account matapos lumabas ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Ayon kay Libiran, naka-home quarantine na siya mula pa noong Agosto 1 nang sumailalim sa test.

“In the spirit of transparency, I would like to inform everyone that I tested positive for COVID-19,” ani Libiran.

Sa ngayon, pumalo na sa 119,460 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.