-- Advertisements --
barangay residents relief COVID SAP dswd

Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isolated case lamang ang mga reports kung saan ilan sa mga nabigyan ng emergency cash assistance sa gitna ng COVID-19 pandemic ay ginagamit sa pagbili ng iligal na droga.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje na karamihan sa 18 million low-income families na target beneficiaries ng social amelioration program ay ginagamit sa tama ang ayuda na kanilang natatanggap mula sa pamahalaan.

Sa ilalim ng naturang programa, bibigyan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan.

Ikinalungkot ni Paje na may ilan na nagawa pang gamitin sa iligal ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan sa gitna ng nararanasang public health crisis.

Kaugnay nito, sinabi ni Paje na hindi sila tututol sa criminal prosecution ng mga ginagamit ang social amelioration aid sa mga iligal na aktibidad.