CENTRAL MINDANAO- Naisugod sa pagamutan ang isang sundalo ng ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Staff Sergeant Rex Maleficiado 38 anyos, may asawa at nakatalaga sa Dental Company ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang lulan ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo mula sa 6th ID Headquarters papauwi na ng kanyang tahanan ngunit pagsapit nito sa harap ng Fatima Chapel sa Brgy Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Natumba ang biktima sa kanyang sinakyang motorsiklo nang tamaan sa kanyang pisngi habang mabilis na tumakas ang mga biktima.
Agad dinala ng mga opisyal ng Barangay ang biktima sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan.
Grupo ng Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek na namaril sa sundalo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa naturang pangyayari.










