-- Advertisements --

Nagpasalamat ang Senate majority bloc sa mga miyembro ng minorya dahil sa tulong at kooperasyon para mapadali at mapaikli ang deliberasyon ng Senado sa panukalang pondo ng bansa sa susunod na taon (2027).

Maalalang nag-overtime ang mataas na kapulungan hanggang kaninang madaling araw (Nov. 28) upang tuluyang tapusin ang ‘period of interpellation’ para sa panukalang pondo.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, ito na ang pinakamabilis na plenary deliberations sa isang panukalang pondo ng bansa kung saan natapos lamang ito sa loob ng limang araw mula sa dating anim na araw na record ng mataas na kapulungan.

Ayon naman kay Senate Majority Floor Leader Migz Zubiri, malaking tulong ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga miyembro ng minorya para mapadali at mapabilis ang delibersyon sa panukalang pondo.

Ayon kay Zubiri, tiniyak ng mga miyembro ng minorya na magagampanan nila ang tunkulin bilang fiscalizer ngunit hindi ito naging sagabal o dahilan upang mapabagal ang pag-usad ng budget deliberations.

Ayon naman kay SP Gatchalian na dati ring nagsilbi bilang Senate Finance Committee chairperson, kahit pa naging maikli ang deliberasyon sa pondo, hindi bumaba o nabawasan ang kalidad ng pondo.

Sunod na pagdadaanan ng panukalang pondo ang Bicameral Conference Committee.