Napigilan ng Portland Trailblazers ang comeback ng Golden State Warrios sa pagharap ng dalawa ngayong araw, Nov. 28.
Sa pagsisimula ng 1st quarter, agad umarangkada ang Blazers at sa loob ng 12 mins ay tinambakan ang GS ng 26 big points, 37-11.
Unti-unti namang bumawi ang Warriors at sa pagtatapos ng 3rd quarter, tanging 13 points na lamang ang nalalabi sa deficit, 91-78.
Hawak ang mumentom, pinilit pa ng Warriors na ungusan ang Portland ngunit muling naghigpit ng depensa ang Blazers at napigilan ang pagpupumilit ng GS na burahin ng tuluyan ang lead. Natapos ang laban sa score na 116-94, pabor sa Portland.
Nanguna sa panalo ng winning team ang shooting guard na si Deni Avdija na kumamada ng 26 points. Bagaman 0-out-of-6 ang naturang guard sa 3-point line, nagawa niyang ipasok ang siyam na 2-pointers at walong free throws. Nagbulsa rin siya ng tig-pitong rebounds at assists, kasama ang dalawang steal.
Nag-ambag din si Portland forward Toumani Camara ng 20 points, walong rebounds, at dalawang steal.
Para sa Warriors, nananatiling hindi nakakapaglaro ang mga star ng koponan dahil sa injury. Kumamada naman ng 18 points rookie forward na si Yaxel Lendeborg, kasama ang pitong rebounds, isang steal, at dalawang blocks.
Umabot pa sa 36 points ang kalamangan ng Portland sa kasagsagan ng laban, dahil na rin sa impresibong 43% shooting ng koponan.












