-- Advertisements --
Kinaltasan ng Senado ng malalaking porsyento ang budget ng maraming miyembro ng House of Representatives, batay sa aprubadong Senate version ng 2027 National Budget, kumpara sa inaprubahan ng mababang kapulungan.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Bohol 1st District Rep. John Geesnell Yap: Tinanggalan ng 90.9% ang pondo para sa distrito ng naturang mambabatas mula sa dating P1.64 billion patungo sa P149 million.
- Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos: Tinapyasan ng 81.2% ang pondo ng presidential son mula sa panukalang P4.74 billion patungo sa P892M.
- Iloilo 1st District Rep. Janette Garin: Umabot sa 64.2% ang tinapyas sa panukalang pondo para sa distrito ni Garin, mula sa dating P1.37 billion pababa sa P490 million.
- Zambales 2nd District Rep. Doris Maniquiz: Tinapyasan ng Senado ang orihinal na P1.51 billion na pondo para sa distrito ni Maniquiz habang aabot lamang sa P625 million ang inaprubahan. Ito ay katumbas ng 58.5%
- Batangas 3rd District Rep. King Collantes: Mula sa dating P1.86 billion na pondong inaprubahan ng House, umaabot lamang sa P840 million ang pinayagan ng Senado, o katumbas ng 55% na tapyas sa
Sa kabila nito, dadaan pa sa Bicameral Conference Committee ang panukalang pondo para sa susunod na taon. Ang maaaprubahang bersyon sa Bicam ang ipapasa kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang pirma.















