Inihayag ni Senador Robinhood ‘Robin’ Padilla na nais umano niyang mismong ICC o International Criminal Court na ang mag-imbestiga sa kinakaharap na reklamo sa Department of Justice.
Sa panayam, ibinahagi ng senador ang kagustuhan International Tribunal pa ang siyang manguna sa imbestigasyon ng reklamo.
Mas gusto aniya ito sapagkat paliwanag ng senador ay ‘mas may drive’ o mas nakakagana kung ang naturang korte ang mag-iimbestiga.
Aminado ang mambabatas na kanyang ikinadidismaya na kapwa-Pilipino pa ang nagsasagawa ng imbestigasyon laban sa kanya.
Gayunpaman, tiniyak ni Senador Robin Padilla ang pagsunod o pagtalima sa panuntunan ng batas kaya’t personal nagtungo sa tanggapan ng kagawaran kahapon, Nobyembre 27, 2026.
Kinakaharap ni Senador Robin Padilla ang reklamong ‘obstruction of justice’ may kaugnayan sa umano’y pag-asiste para makalabas si Sen. Bato Dela Rosa ng senado noong Mayo.
Inaakusahan siyang tumulong sa kapwa-mambabatas upang matakasan nito ang pagsisilbi ng mga awtoridad ng ‘arrest warrant’ na inisyu ng International Tribunal.
Sa kabila nito, patuloy pa ring nanindigan ang kampo ni Sen. Padilla sa pagiging inosente mula sa mga alegasyon kinasasangkutan.
Habang nanawagan naman ang mambabatas sa mga kapatid sa pananampalataya na huwag mabahala sa kanyang sitwasyon.
Ang kanyang abogado na si Atty. Julius Henry Balteza ay kinumpirma ang pagsumite ng senador ng ‘rejoinder affidavit’ sa prosekusyon bilang tugon sa ‘reply’ ng ‘complainants’ kaugnay sa makaraan ‘counter-affidavit’.













