-- Advertisements --

Lumagda ang Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at Singapore Crawfish Pte. Ltd. (SGCF) nitong Nobyembre 23, 2026 para sa pagtatatag ng kauna-unahang commercial-scale Freshwater Crayfish Hatchery Facility sa Pilipinas.

Itinuturing ang pasilidad bilang isang pangunahing proyekto sa pagpapaunlad ng aquaculture sa bansa.

Nakapaloob sa Technology Cooperation and Transfer Agreement ang balangkas ng teknikal na tulong upang mailipat at magamit ang mga subok nang teknolohiya at pamamaraan sa pagpapalaki ng freshwater crayfish.

Pagbabatayan ng naturang kasunduan ang mga matagumpay na komersyal na operasyon sa pag-aalaga ng freshwater crayfish sa iba pang bansa sa Asya.

Inaasahang magbubukas ito ng bagong oportunidad sa sektor ng pangisdaan at aquaculture sa bansa sa pamamagitan ng modernong teknolohiya at kasanayan.