-- Advertisements --

Nagpaabot ng pasasalamat kay Bea Millan-Windorski si Miss Poland Vivica Lewandowski dahil sa pagpapahiram nito ng gown para sa finals ng Miss Universe 2026 sa Puerto Rico nitong Miyerkules.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Lewandowski ang kaniyang mga nabuong karanasan at pagkakaibigan mula sa kaniyang Miss Universe journey.

Kabilang dito ang kaniyang nabuong pagsasamahan kay Miss Universe 2026 3rd Runner-Up at pambato ng Pinas na si Bea Millan-Windorski.

“I also want to recognize a woman who stood by me and uplifted me throughout this journey: Bea. I arrived in Puerto Rico with no massive team or handlers and just two weeks to prepare. To say it was overwhelming would be an understatement,” sad ni Vivica.

Hindi nakapagdala ng gown para sa finals si Miss Poland dahil hindi rin siya tiyak kung makakaabot siya sa naturang round. Dadalawang linggo lang din ito aniya nakapaghanda para sa patimpalak.

Nang tanungin siya ni Windorski kung ano ang kaniyang isusuot, doon na inamin ni Lewandowski na wala pa siyang nakahandang gown — kung kaya’t walang pag-aatubiling ipinahiram ni Windorski ang sarili niyang kasuotan dito

“Without a second thought, she handed me one of her own gowns. That moment speaks volumes about her character and, more importantly, what Miss Universe should represent. Women from every corner of the world coming together, lifting one another up, and celebrating each other. I will never forget that kindness,” paglalahad ng beauty queen.

Samantala, hinirang Miss Universe 2026 naman ang pambato ng Puerto Rico na si Jennifer Barreto na sinundan ng Dominican Republic bilang 1st Runner-Up.