Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na i-update sa 2027 ang Occupational Safety and Health (OSH) standards upang maisama ang paggamit ng artificial intelligence at makabagong teknolohiya sa kaligtasan ng mga manggagawa.
Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, layunin nitong mapalakas ang proteksyon ng mga manggagawa sa gitna ng mabilis na pagbabago sa workplace.
Inaasahan aniyang mas magiging automated ang mga sistema ng kaligtasan pagsapit ng 2036, kabilang ang paggamit ng sensors, cameras, robotics at software na kayang tumukoy ng posibleng panganib at makaiwas sa aksidente.
Gayunman, binigyang-diin ng kalihim na hindi dapat mapalitan ng teknolohiya ang pagpapahalaga sa buhay, kalusugan at karapatan ng mga manggagawa.
Giit ng kalihim, hindi lamang pagsunod sa batas ang occupational safety and health kundi pagpapahalaga rin sa dignidad ng bawat manggagawang Pilipino.
Umaasa naman ang kagawaran na makakakuha ito ng mga mungkahi mula sa mga industriya at occupational safety advocates para sa pagpapahusay ng mga pamantayan sa kaligtasan sa trabaho.













