-- Advertisements --

Sugatan ang dalawang estudyante sa nangyaring pananaksak sa loob ng paaralan sa Caloocan City.

Nangyari ang insidente sa loob ng Barangay Bagong Silang public school kung saan nagtamo ng pitong saksak ang 11-anyos na Grade 6 students at dalawang saksak sa katawan ng siyam na taong gulang na estudyante.

Habang ang suspek ay isang 12-anyos na elementary students.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang pananaksak dakong ala-6 ng umaga habang isinasagawa ang formation ng mga estudyante sa lobby ng paaralan.

Agad na naaresto ng guro ang suspek kung saan tumawag ito ng tulong sa barangay opisyals ng lugar.

Dinala naman sa pagamutan ang dalawang biktima kung saan agad din sila pinauwi matapos na ideklara ng mga doktor na ligtas na sila.

Isasailalim ang mga biktima sa psychological debriefing kung saan inaalam pa nila ang motibo nito.

Una ng lumabas sa imbestigasyon na biktima ng pambubully ang suspek kung saan gumanti lamangito ito sa mga suspek.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na itinago ng suspek ang kitchen knife sa makapal na libro kaya hindi ito agad na-detect ng nakalagay na metal detector.

Pinuri din ni Remulla ang guro dahil sa mabilis nilang pagresponde sa nangyaring pananaksak.