-- Advertisements --

Nagbabala ang Defence Ministry at MI5 ng Britain sa mga kumpanyang sumusuporta sa hukbo ng Ukraine laban sa posibleng sabotahe mula sa mga proxy actor na kumikilos para sa Russia.

Itinanggi ng embahada ng Russia sa London ang mga paratang at ibinaling ang sisi sa Ukraine, na paulit-ulit namang pinabulaanan ng Kyiv.

Kasunod ito ng mga ulat ng sabotahe at paniniktik sa Europe, kabilang ang paghatol sa tatlong British dahil sa panununog ng kagamitang Starlink para sa Ukraine at ang planong pagsasara ng border ng Estonia sa Russia.

Magdaraos ang Ministry of Defence ng mga closed-door security briefing kasama ang mga lider sa critical national infrastructure at defence sector upang magbigay ng gabay.

Binigyang-diin ni Security Minister Dan Jarvis na seryoso ang mga banta sa Europe at nakakahiya ang pagpuntirya sa mga organisasyong tumutulong sa Ukraine.