Nakumpiska ng mga otoridad ang mahigit 300 kilogram na hinihinalang dried marijuana leaves o kush sa lungsod ng Pasay.
Ang nasabing kargamento ay inabandona sa Ninoy Aquino International Airport complex sa lungsod ng Pasay.
Pinanungunahan ng Ninoy Aquino Internaitonal Airport Durg Interdiction Task Group (NAIA-IADITG ) at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office–National Capital Region (PDEA RO-NCR) ang pagkumpiska sa dalawang abandonadong parcel.
Gamit ang K9 na trained dogs ng PDEA ay matagumpay nilang nakumpiska ang nasabing mga iligal na droga
Ang unang parcel ay unang idineklara bilang assorted na mga laruan ng mga bata na galing sa Thailand kung saan ang recipient ay mula sa Caloocan City subalit ng isinagawa ang inspections ay tumambad ang ilang kahon na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na hinihinalang mga Kush na nakatago sa mga laruan.
Habang ang ikalawang parcel ay idineklara bilang mga side mirrors ng mga truck na galing din sa Thailand kung saan ang recipient naman nito ay mula sa Bulacan at ng busisiin ng mga otoridad ay tumambad ang pinatuyong dahon ng marijuana.
Ang nasabing mga droga ay nagkakahalaga ng aabot sa P369,439,200.
Binigyang halaga ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang pagkakaroon ng mahigpit na koordinasyon ng bawat ahensiya para tuluyan ng masugpo ang nagtatangkang magpuslit ng iligal na droga sa bansa.














