-- Advertisements --

Naitanong ni Senate President Pro Tempore Tito Sotto ang usapin tungkol sa pride flags sa mga pampublikong paaralan at umano’y mga librong nagpapakilala sa LGBT community sa mga batang nasa Grade 1 pa lamang.

Nangyari ito sa deliberasyon ng panukalang 2027 budget ng Department of Education (DepEd) sa Senado nitong Martes, Nobyembre 24, na ini-sponsor ni Senador Bam Aquino.

Ayon kay Sotto, masyado pang maaga para ipakilala ang ganitong mga paksa sa mga batang nasa unang baitang dahil limitado pa umano ang kanilang pang-unawa sa mga ganitong usapin.

Nilinaw ng senador na hindi ang pagiging bahagi ng LGBT community ang kanyang kinukuwestiyon, kundi ang edad ng mga batang pinaglalaanan ng naturang mga materyales at kung handa na ba silang maunawaan ang mga ito.

Sa halip, iminungkahi ni Sotto na bigyang-pansin din ng DepEd ang mga programang naglalayong maiwasan ang paggamit ng ilegal na droga sa mga mag-aaral.