-- Advertisements --

Napigilan ng Miami Heat ang comeback attempt ng Oklahoma City Thunder, 123-113.

Binuhat ni Miami bigman Bam Adebayo ang koponan at gumawa ng impresibong triple-double sa loob ng 37 mins na kaniyang inilagi sa hardcourt: 24 points, 15 rebounds, 12 assists.

Pinangunahan din niya ang depensa ng Miami at nagbulsa ng dalawang steal at dalawang blocks.

Hawak ng Miami ang komportableng lead mula simula hanggang sa third quarter kung saan umabot na sa 14 points ang kalamangan bago magsimula ang 4th quarter.

Pinilit naman ng mga Thunder player na habulin ang deficit sa huling bahagi ng laban ngunit tanging limang puntos lamang ang nagawa nitong burahin sa pagtatapos ng regulation.

Parehong hindi nakakapaglaro ang mga nagsisilbing leading scorer ng dalawang koponan na sina Giannis Antetokoumnpo at si Shai Gilgeous-Alexander.

Bilang kapalit ni Shai, nanguna sa Thunder ang bagitong guard na si Jared McCain na kumamada ng 20 points at tatlong steal, habang ang OKC reserve na si Bennett Stirtz ay nag-ambag ng 21 points.

Parehong may tig-sampung panalo ang dalawang koponan ngunit pito na ang pagkatalo ng OKC habang anim pa lamang sa Miami.