-- Advertisements --
Itinanggi ng US Central Command (CENTCOM) na tinamaan ng missile mula sa Iran ang kanilang F-16 fighter jet.
Ayon sa CENTCOM na lahat ng mga fighter jets nila sa Gitnang Silangan ay ligtas at kumpleto.
Ipinagmalaki ng Iran na dahil sa pagtama ng missile sa F-16 fighter jets ng US ay nag-emergency landing ito.
Magugunitang tuloy-tuloy pa rin ang pag-atake ng US sa Iran kahit na hindi tumitigil ang mga mediator na pangasiwaan ang pag-uusap para matapos na ang giyera.














