-- Advertisements --

Nakipagpulong ang Department of Energy (DOE), sa pangunguna ni Undersecretary Alessandro O. Sales, sa mga kinatawan ng isang pribadong mamumuhunan, katuwang ang tanggapan ni Senador Erwin T. Tulfo, upang talakayin ang posibleng pamumuhunan sa strategic petroleum reserves (SPR) at iba pang proyektong pang-enerhiya sa Pilipinas.

Pinag-usapan sa naturang pulong ang mga hakbang para sa karagdagang technical assessment at koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masuri ang mga inihaing panukala.

Ayon sa kagawaran, sasailalim pa sa masusing ebalwasyon at kaukulang regulasyon ng gobyerno ang mga naturang proyekto bago ito tuluyang maipatupad.

Sakaling maisakatuparan, makatutulong ang mga iminumungkahing pamumuhunan upang higit na mapatatag ang energy security ng bansa at mapalakas ang kahandaan laban sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Inaasahan ding susuportahan nito ang pagkakaroon ng mas matatag at maaasahang suplay ng enerhiya para sa mga kabahayan, negosyo, at iba’t ibang industriya sa buong bansa.