-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na walang anumang nakitang traces ng hayop ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga urns na ipinsakamay sa kanilang inirereklamong animal cremation company.

Ayon kay PAWS Executive Director Anna Cabrera, na nakita ng mga forensic experts ng NBI ay mga silicone, iron, potassium at aluminum ang laman ng mga urns at hindi dapat aniya ito ang remains ng mga hayop.

Malinaw aniya na nilagyan nila ng kung ano-anong mga bagay sa urn para lokohin ang mga kliyente ng nasabing animal cremation.

Dagdag pa nito na labis na nalungkot ang mga may-ari ng hayop matapos na madiskubre nila na ang kanilang pinakamamahal na alaga ay basta na lamang itinapon sa basurahan.

Magugunitang nasa 250 na mga pet owners ang nagreklamo laban sa isang pet cremation sa Cavite dahil sa imbes na i-cremate ang mga namayapang alaga nila ay basta na lamang nilang itinapon sa gilid ng kalsada.