-- Advertisements --

Nagsanib-pwersa ang Department of Energy (DOE) at ang Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) sa pamamagitan ng isang dalawang-taong Memorandum of Understanding (MOU) upang bumuo ng mga polisiya para sa mas maaasahan at abot-kayang enerhiya sa bansa.

Sentro ng kasunduan ang pagbabawas sa pag-asa ng mga off-grid na isla sa mahal na diesel. Pag-aaralan ng dalawang panig ang paggamit ng small-scale liquefied natural gas (LNG) at iba pang malinis na teknolohiya para sa mga liblib na komunidad.

Saklaw din nito ang pagpapalakas sa koneksyon ng Pilipinas sa ASEAN Power Grid sa pamamagitan ng pananaliksik at teknikal na suporta mula sa ERIA.

Nakaangkla ang hakbang na ito sa Philippine Energy Plan (PEP) 2023–2050 upang maisalin ang mga pag-aaral sa mga konkretong proyekto at tamang pamumuhunan.

Inaasahang magpapatatag ito sa energy security ng bansa at magpapagaan sa gastusin sa kuryente ng mga Pilipino hanggang sa pinakamalalayong isla.