Agad na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio Nartatez Jr ang pagsibak sa serbisyo sa anim na pulis na sangkot sa robbery holdap sa Caloocan City.
Nangyari ang insidente ntong gabi ng Nobyembre 16 kung saan ang mga biktima ay isang sibilyan at pulis na may ranggong patrolman.
Aabot sa P1.2 milyon ang halaga na nakuha ng mga suspek kasama ang motorsiklo, tatlong cellphone, issued firearm ng pulis na biktima at ang gintong bracelet na nagkakahalaga umano ng P700,000.
Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang isang suspek na napag-alamang isang pulis major habang nakatakas naman ang iba pa.
Sinabi ni PBGeneral Allen Rae Co,ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na nagsasagawa ng pagtutugis ang kapulisan para maaresto ang mga tumakas na suspek.
Ilan sa mga suspek ay nasangkot na umano sa iba’t-ibang mga krimen sa bansa.















