-- Advertisements --
Ibinida ni Miss Universe Philippines Bea Milla Windorski ang isang kasuotang hango sa makulay na tradisyon ng mga pista sa Pilipinas habang nasa Puerto Rico.
Sa kanyang social media post kalakip ang kanyang larawan, sinabi ni Windorski na inspirasyon ng kanyang kasuotan ang makukulay na banderitas na karaniwang nakasabit sa mga lansangan tuwing kapistahan.
Ayon kay Windorski, layunin ng kanyang look na ipakita ang pagkakapareho ng kultura ng Pilipinas at Puerto Rico bilang dalawang bansang mayaman sa kulay, musika, at tradisyon.















