-- Advertisements --

Napanatili ni Pinoy mixed martial arts fighter Joshua Pacio ang kaniyang ONE Strawweignt World Championship belt.

Ito ay matapos na talunin si Keito Yamakita ng Japan.

Naging agresibo ang Japanese fighter sa laban nila na ginanap sa Tokyo, Japan.

Subalit pagsapit ng ikaapat na round ay doon na umarangkada ng mga suntok at submission ng Pinoy fighter.

Mayroong pang natitirang 17 segundo sa ikaapat na ro und ng pinagana na ni Pacio ang kaniyang arm-triangle choke kaya napilitan ang Japanese fighter na sumuko na.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ni Pacio sa pamamagitan ng submission.

Dahil sa dito ay mayroon na siyang 25 panalo at limang talo kung san mayroong 10 submission ito sa kaniyang 19 laban.

Habang si Yamakita ay mayroong 13 panalo at dalawang talo.