-- Advertisements --

Dumating na sa Shenzhen, China si Russian President Vladimir Putin bandang alas-2:00 ng madaling-araw local time, batay sa ulat ng Chinese state media.

Mainit na sinalubong ang pangulo ng Russia ni Cai Qi, ang ikalimang pinakamataas na opisyal ng Chinese Communist Party at de facto chief of staff ni Chinese President Xi Jinping, kasabay ng pagmamartsa ng mga tropang Tsino at pagtatanghal ng mga mananayaw sa red carpet sa tarmac.

Nakatakdang dumalo si Putin sa pinakaaabangang kaganapan sa APEC summit, isang makasaysayang trilateral meeting kasama sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Samantala, kasalukuyang nasa Pilipinas si Trump para sa unang yugto ng kaniyang high-profile trip sa Asya.

Sa mga inilabas na larawan, makikitang nakipagpulong ang Pangulo ng Estados Unidos kina Indian Prime Minister Narendra Modi, Australian Prime Minister Anthony Albanese, at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.

Inaasahang tututok ang mga naturang pagpupulong sa mga usaping pang-seguridad, kalakalan, at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.