-- Advertisements --

Umabot sa 111,838 na mga komyuter sa Metro Manila ang nakinabang sa matagumpay na sampung araw na libreng sakay program na inihandog ng Department of Tourism (DOT).

Ang nasabing programa ay ipinatupad mula Nobyembre 5 hanggang 14, 2026, bilang bahagi ng aktibong pagsuporta at pagpapakilala ng bansa sa pagho-host ng 49th ASEAN Summit.

Binubuo ito ng kabuuang 30 modern jeepneys na may mga natatanging disenyong may temang ASEAN, kung saan tig-15 units ang itinalaga sa dalawang pangunahing ruta ng SM Fairview–Buendia at Sucat–Baclaran.

Nag-operate ang mga libreng biyaheng ito araw-araw mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi upang masigurong matutugunan ang malaking volume ng mga pasahero sa mga nasabing koridor.

Malaking tulong at malaking bawas-gastos ang nasabing programa para sa ating mga kababayan, partikular na sa mga manggagawa at estudyanteng araw-araw na namamasahi at umaasa sa pampublikong transportasyon.